Tatlong Lagalag

This item was filled under [ Ramblings ]

Balik na naman ako sa pagpopost sa blog ko, sa ngaun ito palang na site na ito ang magkakaron bagong post wala parin akong ganang bumalik sa mundo ng pagblogblog. Alas tres na ng Umaga di parin ako makatulog kaya gawa muna ako ng maikling mababasa ng mga dumadaan dito kung mayrun man.

Kahapon nga pala nakalabas na naman ako ulit ng bahay para maglaro ng bowling sa Puyat Sports (parang ako laging puyat) dito lang kasi me lagi sa bahay di ako lumalabas para pumunta ng town maliban kung kailangan lang talaga. Un nga lumabas ako pumunta ako sa BCM (Baguio Center Mall) para naman mag laro ulit ng bowling pangatlong beses na ito sa tanang buhay ko.
Continue reading…

Sumabit sa Dalawa

This item was filled under [ Ramblings ]

Oo ako po ay Sumabit sa Dalawa sayang nga eh, dalawa nalang sana sumabit pa ako.

Ano daw? Oo basta sumabit ako sa dalawang subject sa nakaraang CPA board exam… CPA na sana pero hindi parin ayan tuloy conditioned ako… Mageexam nanaman ulit ako sa darating ng October CPA board exam, so kailangan ko magreview ulit para sureball na sureball na CPA na.

Sakto ang post ko may bilang (hehehe) Unang Salang tapos Sumabit sa Dalawa ano kaya ang susunod? Hmmm mapagisipan nga muna para swabe ung dating kahit parang praning pagbinabasa mo ang personal blog site ko na ito.. Tagalog muna aral muna ako ulit ng English grammar nakakahiya na kasi ako…

Unang Salang

This item was filled under [ Ramblings ]

Sa wakas mayrun narin akong sariling websites sa pangalan ko, kung si donser ay may may donaldserrano.com ako naman si juler ay mayrun narin paulovillar.com.  Sawa na ako sa mali maling english ko kaya tagalog nalang muna ang post ko dito, hehehe…

Wala na akong maiisip lang ilagay sa ngaun so hanggang dito nalang muna itong unang salang ko sa pag post dito sa personal site ko na ito… Guys add nyo ako sa mga sites nyo ha? para naman mag pr na agad itong humble new site ko hehehe.

Page 3 of 3«123